81

Nov 9, 2017 @ 15:20
By

Heart talong-talo sina Eula, Mylene

NAKITA namin ang My Korean Jagiya director na si Mark Reyes sa BGC (Bonifacio Global City). Kinongratulate namin si Direk Mark dahil tanging ang My Korean Jagiya na pinamamahalaan niya ang nakakatalo sa katapat nila na The Good Son sa ABS-CBN.

Ang mga katapat kasi ng FPJ’s Ang Probinsyano at La Luna Sangre ng Kapamilya network sa Kapuso network ay talbog na talbog nila.

Sabi ni Direk Mark, he’s thankful na nagre-rate nga ang primetime series na pinagbibidahan ni Heart Evangelista.

At least, may nakalusot na primetime series ang Siyete pagdating sa rating game dahil ang afternoon series nila na Ika-6 Na Utos, Impostora at Haplos ay pare-parehong panalo sa mga katapat nila sa Dos, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?