267

Feb 2, 2019 @ 17:21
By

Heart relic ni St. Camillus de Lellis, dumating na sa bansa

Nagsagawa ng welcome rites sa NAIA Terminal 3 sa pagdating sa Pilipinas ng heart relic ni Saint Camillus de Lellis.

Si Saint Camillus de Lellis ay patron ng mga may-sakit, doktor, nars at iba pang health workers.

Mananatili sa bansa ang heart relic nito mula Pebrero 2 hanggang Marso 31, 2019.

Dadalhin din ito sa iba’t ibang simbahan at ospital sa buong bansa bago ibalik sa Rome sa Marso 31.

Samantala, maaaring makita ang kumpletong listahan ng mga simbahan at ospital na pagdadalhan sa heart relic sa Facebook page ng The Camillians at sa Twitter page ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Panoorin dito ang kuwento tungkol kay St. Camillus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?