2,150

Sep 16, 2021 @ 20:10
By

Heart pamatay ang legs

Pihadong mag-iinit ang mga barako sa binilad na legs ni Heart Evangelista.

Nag-prepare si Heart ng outfit para sa prestigious MET Gala 2021 na taunang ginagawa sa New York City.

Iyon daw sana ang magiging red-carpet look niya.

“Yung aattend ka sana sa MET gala pero na traffic ka sa edsa … charaught,” anang 36-year-old actress.

Unang mapapansin kay Heart sa kanyang outfit ang nakalantad na makinis niyang legs at maging kapwa celebrity ay napa-wow.

“Wooow missy,” comment ni Rhian Ramos.

“Slay Queen!!!” sey ni Mariel Padilla.

“Sobrang ganda,” sambit naman ng sexy ding si Sanya Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?