89

Apr 1, 2020 @ 17:35
By

Heart nangabog sa TikTok

Kahit naka-quarantine sa bahay ay hindi pa rin kumukupas ang ganda ni Heart Evangelista.

Sa TikTok video na binahagi niya sa Instagram, pinakita ni Heart kung paano maglinis ng bahay in a ka-vogue way.

Sari-saring pangabog na mga damit ang inirampa ni Heart habang naglilinis ng bahay.

Kaya naman busog na busog ang mga mata ng mga follower ni Heart sa magagandang damit na dinispley niya.

Chldianaa: “Ibang level ‘to! Super fab way ng pag-Tiktok. Hahahaha.”

Krxstxllanct: “Sana ganto ko ka-sophisticated and fashionista kapag gumagawa ng gawaing bahay hahaha!”

Joanacml: “Sarap panuorin bat ganon.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?