65

Jul 7, 2020 @ 15:04
By

Heart namigay ng Vitamin C sa mga ospital sa Sorsogon

Bumisita sa iba’t ibang ospital sa Sorsogon si Heart Evangelista para mamahagi ng may 7,000 bottles ng Vitamin C.

“Spent the afternoon visiting different hospitals here in Sorsogon and met so many lovely people. We were also able to give 7,000 bottles of @potencee_ph Vitamins to the hospitals,” caption ni Heart.

Hindi ito ang unang beses na nagbigay-tulong ang aktres sa mga nangangailangan.

Nauna na siyang nagbigay ng mga pera at grocery nang magsimula ang quarantine.

Naglunsad din siya ng “Big Heart PH” para mamigay ng mga gamit sa mga estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?