88

By

Heart naka-move on na nga ba matapos ang miscarriage?

MAGMULA nang na-miscarriage ang Kapuso actress na si Heart Evangelista ay nagpabalik-balik na siyang pumunta ng Paris.

Sabi nga ng netizens ginagawa lang daw Quiapo o Divisoria ng actress ang magandang bansa.

Sa mga post pa ni Heart sa kanyang IG accounts marami ang nakapansin ng gamit niyang iba’t ibang kulay at disenyo na branded bag.

Tanong tuloy ng netizens kung siya ba ngayon ang bagong endorser ng Sequoia Paris bags.

Maging sa social media account ng Paris-based brand ay naka-feature ang actress na gamit ang branded bag.

If ever na si Heart ang bagong endorser, meaning gumagawa ng paraan ang actress para madaling maka-recover sa unos na kanyang pinagdaanan.

Masakit sa isang ina ang mawalan ng anak. Sa kaso ni Heart, mahigit tatlong taon na silang nakakasal ni Sen. Chiz Escudero, pero this year lang sila nabiyayaan ng anak na agad nawala.

Ayon kay Heart, unti-unti na rin naman daw siyang nakaka-move on sa nangyari. Alam daw niyang may darating pang gift si God para sa kanilang mag-asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?