153

Oct 25, 2017 @ 11:27

Heart naiyak sa mall show ng My Korean Jagiya sa Bacolod

By JUN NARDO

Napaiyak si Heart Evangelista sa nakaraang mall show ng My Korean Jagiya stars sa SM City Bacolod nu’ng Sunday dahil hindi niya akalaing dudumugin ng tao ang show nila. Sa IG ni Heart, kitang-kita sa photo ang dami ng taong dumagsa sa mall show nila.

“Never in my wildest dreams did I think #MyKoreanJagiya would capture the hearts of so many people! Our mall show last night was truly overwhelming. Backstage, we were so moved that we were crying – hearing all of you screams and messages of support. We will never forget the love we felt! Jagiyas, you have my heart!” mensahe ni Heart.

Kasama ni Heart na nagpasaya sa Bacolod ang leading man niyang si Alexander Lee, Iya Villania at komedyanang si Divine Aucina.

Sa nakaraang selebrasyon naman ng Masskara Festival, si Marian Rivera naman ang nakasama ng Bacolenos noong Oct. 19. Nakasama naman niya ang co-stars sa Super Ma’am na sina Kim Domingo, Matthias Rhoads, Ashley Ortega at Enrico Cuenca.

Mula sa Bacolod, bumiyahe si Yan Yan sa Pangasinan para sa Kapuso fans day doon kasama nina Jerald Napoles, Joyce Ching at Kristoffer Martin. Dumaan din si Marian sa Lady of Manaoag, nagtulos ng kandila at nakuhanan siyang nasa tindahan ng mga daing na paborito rin niyang kainin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?