7

Feb 25, 2021 @ 15:52
By

Heart ‘nag-bday’ sa ampunan

Nagdaos ng late birthday celebration si Heart Evangelista sa isang bahay-ampunan sa Sorsogon.

Sa Instagram, Peb. 24, pinasilip ng vlogger-aktres ang eksena sa pagdiriwang sa Jardin de Maria Orphanage.

Mukhang namigay din ng tsinelas at cake si Heart sa mga bata, batay sa mga larawan.

“Meaningful moments that matter the most,” sey ni Heart.

“Spent a day with the lovely kids and sisters of the Jardin de Maria Orphanage here in Sorsogon for a late birthday celebration,” dagdag niya.

Peb. 14 ang ika-36 kaarawan ni Evangelista, na asawa ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?