230

By

Heart may bagong OOTD sa pagbili ng ‘itlog na pula’

Bongga na naman ang outfit ni Heart Evangelista sa pagbili niya ng itlog na pula.

Ito ang reaksiyon ni Heart matapos mag-viral ang video ng kanyang “corned beef” OOTD o outfit of the day.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-share ulit ng video ang Kapuso actress kung saan makikita ang glamorosa nitong suot sa pagbili naman umano niya ng itlog na pula.

“So this is my outfit for today. I’m on my way to buy itlog na pula,” ani Heart na napabalikwas ng tawa dahil sa alam niyang katuwaan lang ito.

“I can’t do it anymore!” dagdag pa niya.

Agad naman itong ni-repost sa Facebook:

OOTD ni Heart Evangelista sa pagbili ng itlog na pula. ???

Posted by Troy Perez Swift on Wednesday, December 12, 2018

Matatandaang nag-viral ang OOTD ni Heart sa pagpunta ng grocery para bumili ng corned beef, na ayon sa aktres ay biro lamang.

Pinagkatuwaan naman ito ng netizens at kanya-kanya rin silang post ng kanilang OOTD sa pagbili ng kung ano-ano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?