217

Nov 20, 2021 @ 11:26
By

Heart magpapasilip

May bagong vlog series si Heart Evangelista sa kanyang YouTube channel.

Ipasisilip niya sa series na “Welcome To Heartworld” ang kanyang mga biyahe, kabilang ang mga lugar na pinupuntahan at mga taong nakikilala niya sa kanyang adventure.

“I’ve done travel vlogs before but I wanted to make these upcoming ones a bit more special. I’ll be launching a new series on my YouTube channel, “Welcome To Heartworld”. In the next couple of weeks, I’ll be taking you on the road and revealing all the things that I did and the special people I met! Watch out!” sey ni Heart sa kanyang video teaser sa Instagram.

Nitong taon ay bumisita sa Amerika si Heart at naka-bonding sina “Bling Empire” stars Kane Lim at Kelly Mi Li.

Nag-eyeball din sila ni Incubus frontman Brandon Boyd.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?