1,182

Jan 2, 2018 @ 14:47
By

Heart kinabog si Sofia sa kaseksihan

Kababagong Pasok pa lang nang 2018 para napa-aga na ang summer sa ilang mga sexy photos ng kilalang mga local celebrities.

Nangunguna na si Heart na nagpaskil ng kanyang alindog sa isang island resort habang nakabakasyon silang dalawa ng mister niyang si Sen. Chiz Excudero.

Unang photo ni Heart ay yung nakatayo sa veranda at naka-one piece bathing suit na my colored cotton rope na nakasuot sa kanyang waistline.

Naka-bathrobe na photo ang aktres pero sa pagkaka-angat ng isa niyang kamay nalantad ang buong katawan nito sa suot ng swimwear.

Yung isa pang photo ay naka-upo si Heart sa buhangin suot ay iba namang one piece bathing suit.

Sa shot na ito, sumungaw ang cleavage ni Heart na hinding-hindi puwedeng deadmahin dahil sa ganda nang hubog at tayo ng boobs ng Kapuso star.

Hindi malaki at hindi naman maliit ang boobs ni Heart. Sa lenggwahe ng millenials ang term nila sa ganito ay “sakto lang”.

Sa aming opinyon, kahit sinong lalake ang makakakita siguradong ang sasabihin nila ay “kakaiba” ang ganda at kaseksihan ni Heart na kahit saan mo dalhin laging mangingibabaw.

Hindi rin naman nagpahuli ang Kapamilya young drama actress na si Sofia Andres na nagpasilip ng alindog suot ang isang one piece red bathing suit.

Nakatagilid habang nakatayo si Sofia sa isang wall suot ang nasabing bathing suit. Masasabing conservative ang aktres dahil medyo mababa ang cut ng suot nito.

Hindi pa palaban ang aktres sa paseksihan hindi lang dahil hindi pa nito kaya, dahil posibleng ayaw ng rumored boyfriend niyang si Diego Loyzaga na nagpapa-sexy siya.

Matatandang sinabi ni Sofia sa presscon ng horror flick nya na pinatatanggal ni Diego ang isang photo niya sa IG na labas ang kanyang cleavage.

Ayaw rin nitong nakikita ang mga sexy pics nya sa social media.
Kina Heart at Sofia, ang boto namin nang talagang nakakapag-init na sexy photo ay ibibigay namin kay Heart.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?