115

Dec 6, 2017 @ 16:49
By

Heart-Jericho puno ng ‘spark’ ang pagkikita; netizens super-kilig

Kumbaga sa pelikula, certified blockbuster ang photo nina Heart Evangelista at Jericho Rosales na pinost ni Tim Yap sa Instagram account niya 5-day ago. Unang lumabas sa Abante at Tonite ang kuwento ng pagkikita ng dalawa sa event ng Rimowa, na kung saan ay pareho ngang nag-attend sina Jericho, Heart, pati na ang misis ni Jericho na si Kim Jones.

Captured nga ni Tim Yap ang mga eksena sa naturang event, at isa na nga roon ang pag-uusap ng dating lovers na sina Jericho at Heart. Eh, ang bongga rin ng caption ni Tim sa photo na `yon ng dalawa, ang ‘Two old friends meet again at the Rimowa dinner…”

Anyway, umabot na sa halos 2,000 ang comments sa photo na `yon nina Jericho at Heart.

Kanya-kanyang suggestion sila na bigyan ng pelikula ang dalawa. May nanawagan pa sa Viva na planuhin na agad ang movie, na ikinangiti naman ng manager ni Jericho na si Angeli Pangilinan.

Naungkat nga ulit ang nakaraan nina Jericho at Heart, pati na ang pag-alay raw ni Jericho ng kanta na Makita Kang Muli, na ginamit na theme song sa teleserye niyang Panday noon sa ABS-CBN 2, na kung saan ay leading lady niya si Heart.

Ang bongga nga raw at bagay na bagay ang lyrics na…

“Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig

“Maghintay ka lamang ako’y darating

“Pagkat sa isang taong mahal mo

“Ng buong puso

“Lahat ay gagawin

“Makita kang muli

“Makita kang muli…”

Feel na feel ng netizens ang ‘spark’ umano sa mga mata ng dalawa habang magkaharap sila.

“Wow may spark pa rin,” sabi ni mi_ereh_ouyrof.

“Hala. I feel so kilig seeing this. Bakeeet? May spark pa talaga,” hirit naman ni blurrythirsday.

“I’m appalled on how these commenters assume something out of a simple photograph. You can’t just say ‘balikan ang nakaraan’.

Please have some respect. Echo and Kim (Jones) are living a married life full of happiness and love. Echo is just too kind to still talk to her, but you guys should not give any malice. It’s obvious he’s just paying courtesy to ‘the one that got away’. Makes me cringe,” sabi naman ni adelaine_closet. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?