116

By

Heart, Jericho meet-up parang eksena sa pelikula

Sharing is caring!

Isa-isang nagkakaroon ng pagkakataon si Heart Evangelista na makakita at maka-tsikahan ang kanyang mga exes, lalo na yung mga naging kontrobersyal.

Sa nakaraang Star Magic Ball, nakita at nakipagbatian pa si Heart sa dati niyang boyfriend, ang Brazlian model turned actor na si Daniel Matsunaga.

Happy-mood ang athmosphere nang pagkikita nila dahil nagtatawanan sila sa stolen shot ng tsikahan nila na nag-trend sa social media at pinatulan ng maraming showbiz news flatform.

Ngayon following na ni Heart si Daniel at palagi nitong nila-like ang ilang mga photo postings ng Kapuso star at minsan pa nga ay nagku-comment pa ito.

Kamakailan naman ang nakita at naka-tsikahan naman ni Heart ay ang ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales sa isang event kung  aan pareho silang invited.

Pinoste ni Tim Yap sa kanyang Instagram wall ang stolen shot nina Heart at Jericho na magkaharap at naguusap.

@officialtimyap, “two old friends meet again at Rimowa dinner, #aluminumoriginal”.

Parang eksena sa pelikula ang itsura nang dalawa. Nakared-v-neck cut gown si Heart na kipkip niya ang clutch bag, samantalang nalong-sleeves naman ng white si Jericho.

Nakangiti na parang pinakikinggan lang ni Heart si Jericho na parang siya ang nagsasalita nang mga sandaling yun.

May kilig sa kanyang posting si Tim dahil alam naman nang lahat na tumagal rin nang ilang taon ang relasyon ni Heart kay Jericho, noong mga panahong nasa ABS CBN 2 pa siya.

Naging kontrobersyal ito dahil si Heart ang nakipag-kalas kay Jericho noon para sundin ang kagustuhan ng kanyang mga parents.

Durog na durog ang puso ni Jericho sa kabiguan niya sa pag-ibig kay Heart at matagal ring ininda nang aktor ang hiwalayan nila ni Heart.

Alam naming hindi ito ang unang pagkikita nina Heart at Jericho sa isang okasyon, pero lagi kasing may kilig sa tuwing makikita silang nagkita at nagkausap sa isang okasyon, kagaya nga ng pinoste ni Tim.

Ang nakakaloka lang dito kasama ni Jericho ang misis niyang si Kim Jones na dumalo rin sa event.

Anyways, marami ang naghihintay na magsama sa iisang acting project sina Heart at Jericho, lalo’t pareho na silang may kanya-kanyang asawa. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?