12

Jan 28, 2021 @ 20:11

Heart Evangelista takot mamatay mag-isa

Itinuturing na biggest fear ng socialite at aktres na si Heart Evangelista ang mamatay mag-isa.

Kwento niya sa isang post na kung tawagin niya ay “Chika Time,” hindi niya mapigilang maiyak tuwing sinasabi ng kanyang mister na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero na una niyang lilisanin ang mundo.

“My husband would always tell me to be strong. He doesn’t baby me whatsoever because he would tell me he would go first. [I] feel like crying every time he says that,” anang aktres.

“I know I will one day die alone … it’s my biggest fear but I know by that time I will be happy with all the memories I have and I will be stronger to face that one moment,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, naniniwala ang aktres na totoo ang langit at balang-araw ay makakasama niya rin ang kanyang namaalam na aso na si Panda.

“I also know for a fact that Panda promised me (that) she will be there waiting for me so I won’t be scared,” wika niya.

Abril ng nakaraang taon nang mamatay ang inampong aso ng aktres.

Sa darating na Pebrero ipagdiriwang ni Chiz at Heart ang kanilang ika-anim na wedding anniversary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?