72

By

Heart Evangelista nagpa-tattoo?

Sharing is caring!

Matapos dumalo sa New York Fashion Week ay dumiretso agad si Heart Evangelista-Escudero sa concert ni Dua Lipa.

Samantala, sa isang Instagram story ni Heart ay pumunta siya sa sikat na tattoo artist na si Jophone X.

“Long time no see,” caption niya.

Nagpa-piercing si Heart sa kaniyang tenga. Hindi lang ‘yan dahil binalak rin niya na magpatattoo.

“Not the type, but I always wanted a little little one,” caption niya sa story.

May maliit na drawing ng puso sa kanang parte ng pulso niya sa kaliwang kamay.

“Heart ink or no?,” tanong niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?