19

Oct 28, 2020 @ 22:06
By

Heart Evangelista naglabas ng kanta

Inilabas na ni actress Heart Evangelista ang sinulat niyang kanta 15 taon na ang nakalipas.

May pamagat ang kanyang single na “Breathe You”.

“My dream for all of you to listen to this single has finally come true. A song that reminds me so much of how far I’ve come in the 15 years since I first made this piece,” sabi ni Heart sa caption ng Instagram post noong Martes.

“‘Breathe You’ really holds a special place in my heart and I hope it finds one in you, too.”

Available na ang “Breathe You” sa iba’t ibang music streaming platform.

Ilang fan ang naglabas ng kanta ni Heart sa YouTube.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?