135

Sep 6, 2021 @ 16:14
By

Heart Evangelista hinabol sa California

Naispatan si Heart Evangelista habang nagsa-shopping sa Rodeo Drive, Beverly Hills, California.

Ka-bonding ng aktres si Netflix reality show “Bling Empire” star Kane Lim.

Hinabol sila ng crew ng US-based tabloid na TMZ.

Sa Twitter post ni Heart, makikitang bago pa man sila makapasok sa isang gusali, hinarang sila ng TMZ crew.

Tinanong ang aktres kung totoo ang mga tsismis na papasok siya sa Season 2 ng “Bling Empire”.

Sagot ni Heart, “Whatever it is, this is for the Filipinos so…”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?