139

Apr 8, 2020 @ 15:26
By

Heart-Chiz magbibigay ng kutson, unan sa mga stranded na residente ng Sorsogon

Mamamahagi ang mag-asawang Heart Evangelista at Sorsogon Gov. “Chiz” Escudero ng mga kutson at unan para tulungang makapagpahinga nang maayos ang mga residente ng Sorsogon na hindi makauwi dahil sa Luzon-wide lockdown.

Sa kanyang Instagram binahagi ni Heart na nakatanggap sila ni Chiz ng mga kutson at unan na donasyon mula sa foam at mattress brand na Uratex Premium.

“My husband @escuderochiz and I are sending these soon with love. More bed foams from @uratexpremium and pillows donated by our friends for our dear Sorsoganons to give them comfort after being stranded at checkpoints!” ani Heart sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?