269

Nov 2, 2017 @ 23:08

Heart bitbit ni PDu30 sa Japan

Sinikreto muna ni Heart Evangelista ang rason ng biyahe niya sa Tokyo, Japan. Official visit ang tugon niya sa tanong ng followers niya sa Instagram.

Sa mga unang posts, ang photos ng Japanese food at pag-awra ni Heart ang naka-post sa IG niya. Then, pinost ng Kapuso Sweetheart ang picture nila na magkasama ng Japan Prime Minister na si Shinzo Abe.

Eh bumisita rin sa Japan si President Rody Duterte kaya nabisto ang dahilan ng punta niya roon. Na kasama nga siya sa grupo ni Pres. Duterte.

Matapos ‘yon, ang litrato ng Japanese ramen naman ang inilabas niya at kahapon, goodbye Japan na si ang bida sa My Korean Jagiya, na hindi nag-pose ng photo kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero.

Joyselle at Kathryn magkahawig

May future ang child actor na si Julio Cesar Sabenorio na isa sa cast ng pelikulang Guerrero mula sa film arm ng Eagle Broadcasting Corporation. Nakaw-eksena ang effortless niyang pagpapatawa sa kabuuan ng move kaya naman bentang-benta ito sa nanood ng premiere night ng pelikula last Monday.

Mula sa director ng award-winning international movie na Walang Take Two ang movie, si Carlo Ortega Cuevas. Nagwagi si Carlo bilang Best Director in Foreign Language sa International Filmmaker Festival at Best Newcomer Filmmaker of the Year sa World Film Awards sa Jakarta, Indonesia.

Halata namang mahiyain pa ang gumanap na bida, si Genesis Gomez. Pero nakasabay naman siya sa pagbitaw ng nakakatawang linya kay Julio. Wedding photographer si Genesis bago sumabak sa pag-arte.

Ayon sa lead actor, isang malaking pressure ang feeling niya sa pagbibida niya sa Guerrero. Leading lady niya si Joyselle Cabanlong na hawig kay Kathryn Bernardo sa ilang anggulo, huh! Member ng Iglesia ni Cristo si Joyselle bago siya tumiwalag sa kapatiran.

Wala kaming expectations nang panoorin ang Guerrero. Dahil sa galing ng batang aktor, umabot kaming panoorin ito nang mahigit isang oras.

Gaya namin, nagpapalakpakan ang audience sa sagutan nila ni Genesis sa karamihan sa eksena.

Jose-Wally-Paolo bidang-bida na

Hindi joke ang pagkakaroon ng full length movie nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros bilang lolas. Inilabas na nila ang teaser at poster ng movie nilang Trip Ubusan Lolas vs. Zombies sa Eat Bulaga nu’ng Martes.

This time, bidang-bida na sina bilang Lola Nidora (Wally), Lola Tidora (Paolo) at Lola Tinidora (Jose). Sa teaser, in full costume rin silang naging trademark nila sa KalyeSerye n Eat Bulaga na nakikipaglaban sa mga zombie.

Ang director ng movie ay si Mark Reyes. Kasama rin nila sa cast sina Ryzza Mae Dizon, Taki, Kenneth Medrano at Miggy Tolentino.
Level up na ang pagiging lolas nina Jose, Wally at Paolo dahil hindi na guests ang drama nila sa horror movie. Ang bongga lang sa Trip Ubusan, lola man ang roles nila, nakikipagbakbakan naman sila, huh!

Abangers na lang tayo kung special guests dina sa movie sina Alden Richards at Maine Mendoza na bahagi rin ng pagiging lola ng tatlo, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?