138

May 14, 2019 @ 18:20
By

Heart binati ang asawang si Chiz sa panalo sa Sorsogon

Binati ni Heart Evangelista ang mister na si Chiz Escudero sa pagkapanalo nito bilang gobernador ng Sorsogon.

Sa Instagram post, sinabi ni Heart na panahon na para pagtuunan ng outgoing senator ang kaniyang home province.

“Congratulations to my Governor Chiz Escudero! You’ve worked in the Senate for such a long time, but now, it’s time for you to concentrate in your beloved Sorsogon, the place which you and your family have loved for years,” ani Heart sa caption.

Si Escudero ang iprinoklamang gobernador nitong Martes ng umaga sa botong 303,960 laban sa katunggaling si Bladi Frivaldo na nakakuha lang ng 31,867 votes, batay sa election returns.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?