453

By

Hearing tungkol sa mana nauwi sa shootout: 3 patay

Nauwi sa madugong shootout ang isinagawang hearing sa loob ng korte nitong Martes, Nob. 12.

Tatlo katao ang nasawi sa isinagawang hearing sa isang korte sa Bangkok, Thailand, ayon sa The Straits Times.

Kabilang sa mga biktima ang dalawang abogado at ang mismong gunman.

Namaril ang gunman sa kalabang kampo dahil sa pagtatalo tungkol sa mana sa Chanthaburi provincial court bago gumanti ng putok ang guwardiya na ikinamatay ng suspek.

Hindi naman tinukoy ang identities ng mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?