179
oscar-albayalde-001
By

Hearing sa kulungan ni De Lima, tinabla ng PNP

Sharing is caring!

Hindi pinagbigyan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang hiling ni Senate President Vicente Sotto III na payagan si Senadora Leila de Lima na magdaos ng mga pagdinig ng Senado sa bilangguan nito sa Custodial Center.

Sa sulat na natanggap ngayon sa opisina ni Sotto, sinabi ni Albayalde na bilanggo si De Lima kaya hindi nito maaaring gampanan ang propesyon.

Sinabi rin na ang korte na naglilitis sa mga kaso ni De Lima ang dapat ditong magdesisyon.

“It is with regret that the PNP cannot appropriately act on the matter considering Senator De Lima as a detention prisoner with restricted right to exercise profession and hold public office,” sabi ni De Lima sa sulat kay Sotto.

“Consequently, any matter pertaining to requests to exercise her legislative functions as an elected senator and conduct committee hearings for such purpose is a matter for the Court having jurisdiction over her pending case/s to decide,” dagdag nito.

Ikinatuwiran din ang Supreme Court ruling sa kaso ni dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos na hindi pinayagan na makaganap ng tungkulin bilang kongresista habang nililitis noon ang kaso.

Tugon ito sa sulat ni Sotto kay Albayalde noong Hulyo 2 kung saan ipinakiusap na payagan si De Lima na magpatawag ng Senate hearing bilang chairman ng Committee on Social Justice, Welfare and Development kung saan maraming nakabinbin na panukalang batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?