61
Bakuna Health Worker
Feb 21, 2018 @ 14:36
By

Health workers nanunuyo ng mga magulang para pabakunahan ang mga anak

Nangungulit umano ngayon ang mga health worker sa mga magulang para paturukan ang mga anak nito ng bakuna laban sa sari-saring sakit.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na pinagsabihan ang mga health worker na manuyo at manligaw kung kinakailangan para makapagbigay ng bakuna sa mga bata.

Kinailangan ito dahil marami ang natakot nang magpabakuna nang dahil sa kontrobersya sa dengue vaccine na Dengvaxia.

“Bumaba ang immunization coverage para sa karaniwang bakuna. Ang kautusan ko sa tao ay huwag silang titigil at huwag silang susuko. Kung kinakailangang ligawan ang bawat pamilya na hayaan ang DOH na bigyan sila ng bakuna,” sabi ni Duque.

Dahil sa Dengvaxia scare, bumaba sa 63 porsyento hanggang 79 porsyento ang nabigyan ng bakuna kontra measles o tigdas sa Zamboanga Peninsula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?