ahw
By

Health workers naglunsad ng protesta sa DOH

Sharing is caring!

Nagdaos ng kilos-protesta ang health workers kasabay ng selebrasyon ng National Health Workers’ Day ngayong araw na ito.

Karamihan sa mga nakilahok sa pagkilos ay ang health workers mula sa pribado at pampublikong ospital at mga pagamutan.

Layunin nila na maiparating sa mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing sa mababang pasuweldo at umiiral na kontraktuwalisasyon.

Nag-walk out ang mga maggagawa, at nagmartsa mula sa tanggapan ng Department of Health patungong Mendiola sa Maynila kung saan bitbit nila ang mga placard na may nakasulat na mga sentimyento ng kanilang hanay.

Ayon sa kanila, hindi sapat ang kanilang kinikita para matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya, maliban pa sa perwisyo ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng tax reform law ng gobyerno.

Panawagan ng mga manggagawa, gawing P750 bawat araw ang minimum na sahod nila, katumbas ng P16,000 bawat buwan.

Pero ayon sa IBON Foundation, 32,000 na buwanang sahod ang dapat na matanggap ng health workers para makasapat sa pangangangailangan ng kanilang pamilya.

Kinontra rin nila ang nilagdaang executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbes na tatapos sa kontraktuwalisasyon ay kumukunsinti pa umano sa “endo”.

Sa tala ng Commission on Audit, mayroong 13,000 contractual health workers sa bansa kabilang dito ang mga nars, admin personnel, janitor, clerk, medical technicians at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?