By

Health workers nagkasa ng ‘Black Heart’s Day’ protest sa Mendiola

Sharing is caring!

Sinabayan ng ‘Black Heart’s Day’ protest ng mga health worker ang pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong araw sa Mendiola, Maynila para ipanawagan na taasan ang kanilang sahod at itaas ang budget para sa pang-kalusugan.


Imbes na pulang puso, itim na puso na gawa sa kartolina ang bitbit ng mga health worker kung saan nakasulat ang mga panawagan, hinaing at hugot nila sa administrasyon.



Pangunahing panawagan nila ang national minimum wage na P16,000 kada buwan ng mga public employess at P750 kada araw naman para sa private employees.



Tinawag nilang walang puso si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong isnabin ang mga health worker at tanging mga pulis lang ang tinaasan ng suweldo gayong pareho lang anila sila ng trabaho na nagsasalba ng buhay.

Humiga rin ang mga ito sa kalsada at isinadula na sinagasaan sila ng isang tren na may mukha ng Pangulo para ipakita na mariin nilang tinututulan ang TRAIN law.



Ayon kay Robert Mendoza, presidente ng National Alliance of Health Workers, ibinaba nga ang income tax pero tumaas naman ang presyo ng mga bilihin na dagdag pahirap sa kanilang pamumuhay.

Banta ng health workers, mas paiigtingin nila ang mga ikakasang protesta laban sa administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?