22

May 6, 2020 @ 12:02
By

Health workers nag-quarantine nang masawi ang inaasikasong pasyente

Naka-quarantine na ang 9 sa 17 health workers ng District Hospital sa Bongabon, Nueva Ecija makaraang asikasuhin ang isang pasyenteng nasawi nitong nakaraang weekend na hindi pa makumpirma kung COVID case.

Ayon kay Bongabon Mayor Allan Xystus Gamilla sasagutin ng local government lahat ng pagkain at pangangailangan ng mga health workers na naka-quarantine sa isang resort sa naturang bayan.

Nabatid na ang nasawing pasyente, ay 57 anyos na tindera ng gulay na taga katabing bayan ng Laur. Inatake umano ito sa puso at hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Gayunpaman kumalat umano ang balita na nagkaroon ito ng mga simtomas ng COVID-19, kaya’t minarapat na sumailalim sa 14 day quarantine ang mga naturang tauhan ng pagamutan.

Hanggang sa kasukuyan ay COVID free ang bayan, pagdidiin ni Mayor Gamilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?