19

Sep 15, 2021 @ 17:29
By

Health workers na tinodas ng COVID 104 na

Umabot na umano sa 104 ang bilang ng mga healthcare worker na binawian ng buhay dahil sa COVID, ayon sa Department of Health (DOH).

Samantala, sa ngayon ay 366 ang mga aktibong kaso sa panig ng mga healthcare worker, kung saan 221 ang mild symptoms, 95 ang asymptomatic, 21 ang sever, 20 ang moderate at siyam ang kritikal.

Sa kabuuan, 24,284 ang mga kasong naitala sa mga healthcare worker.

Sa mga ito, gumaling na ang 23,814 sa mga pasyente.

Bukod sa panganib ng COVID, hinaharap din ng health workers ang pagkaantala ng kanilang mga benepisyo na humantong pa nga sa kilos-protesta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?