46

Nov 17, 2021 @ 11:19
By

Health worker sugatan matapos bumangga ang kotse sa QC

Isang healthcare worker ang sugatan matapos bumangga ang minamanehong sasakyan nito sa bahagi ng center island sa kahabaan ng Visayas Avenue sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Dinala naman sa ospital ang biktima na kinilalang si Eunice Ciriaco, isang Medical Technologist sa Philippine Children’s Hospital, ayon sa ulat ng dzBB.

Sinabi ni Department of Public Order and Safety Enforcer Louie Gee Ignacio, pauwi na ang biktima galing trabaho nang bumangga ang sasakyan nito at nawalan ito ng kontrol.

Dagdag pa ni Ignacio, puyat at pagod ang biktima na maaring naging dahilan kaya nawalan ito ng kontrol.

Rumesponde naman kaagad ang Quezon City rescue team. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?