233

Jul 2, 2020 @ 15:13
By

Health minister ng New Zealand nahiya, nagbitiw matapos lumabag sa lockdown

Tuluyan nang nag-resign bilang health minister ng New Zealand si David Clark.

Nauna nang na-demote si Clark dahil sa pagsuway sa lockdown rule nang mag-beach kasama ang kanyang pamilya, sabi sa ulat sa BBC.

Dahilan din ng pagbibitiw niya ang inaaning batikos ng New Zealand government dahil sa coronavirus response nito.

Ani Clark, ang patuloy niyang pananatili bilang health minister ay makakaabala lang sa pangkalahatang response ng gobyerno sa pandemic.

Pinupuri sa buong mundo ang tagumpay ng New Zealand sa coronavirus.

Nakaraang buwan matapos makapagtala ng 1,528 kumpirmadong kaso at 22 nasawi, idineklara ng New Zealand na virus-free na sila.

Pero tinuligsa ang paghawak ng bansa sa mga border at isolation facility nito.

Kamakailan dalawa katao ang pinayagan na lumabas ng isolation para makabisita sa mamamatay nang magulang sa kabila na hindi ito na-test sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?