83

Dec 26, 2017 @ 19:36
By

Health experts susuriin ang Dengvaxia vaccine – DOH

Titipunin ng Department of Health (DOH) ngayong linggong ito ang lupon ng mga independyenteng eksperto na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Sa isang pahayag, tinukoy ng DOH na pag-aaralan nila ang mga impormasyon o datos na nakalap ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia, mula sa limang taong observation period sa isinagawa nilang clinical trial para sa nasabing bakuna.

Kasama rin sa pag-aaralan ang post-marketing surveillance ng Food and Drug Administration (FDA) at ng DOH-Bureau of Epidemiology tungkol sa mga namonitor nilang negatibong epekto kasunod ng ginawang pagbakuna sa mga bata.

Paliwanag ni DOH Secretary Francisco Duque III, ang pagtipon sa expert panel ay kasunod ng pinakahuling ulat mula sa World Health Organization (WHO).

“…the five-year follow up data provides evidence of reduced risk of severe dengue and hospitalization overall among vaccinated trial participants,” saad ni Duque.

Base pa umano sa nasabing mga datos, nakumpirma ang una nang hinala na malaki ang tsansa ng mga taong hindi pa nagkaka-dengue pero nabigyan ng Dengvaxia na dumanas ng malalang dengue.

“This risk persisted about five years after the first dose,” dagdag pa ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?