14
dengvaxia1

Health experts, nanawagan ng katotohanan sa Dengvaxia

Sharing is caring!

Inilahad sa isanagawang multi-stakeholder forum ng Philippine Foundation for Vaccination ang panawagan ng mga doktor at eksperto na itigil na ang pagkakalat ng mali at malisyosong impormasyon tungkol sa bakunang pang-dengue na Dengvaxia.

Ayon kay Dr. Charles Yu, dating pangulo ng Philippine College of Physicians (PCP) at isa ring magulang na may kaisa-isang anak na nabakanuhan ng Dengvaxia, ang mga maling impormasyon at balita ukol sa isyu ay nagdudulot ng hindi makatwirang pangamba at takot sa mga magulang na katulad niya.

“Huwag kayong makinig sa hindi naman eksperto, dine-bunk na ng world expert, nakikinig pa din kayo. The stress from daily barrages from media causes stress on dengvaxia parents like me,” pagdidiin ni Yu.

Tinutukoy ni Dr. Yu ang ulat ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) sa World Health Organization (WHO) na inilabas nitong Abril kung saan nakasaad ang pagpapatunay ng “public health value” ng bakunang Dengvaxia.

Nilinaw din sa ulat ng SAGE na maaari daw matanggap ang bakuna miski walang “pre-vaccination screening” lalo na sa mga bansang may “hyper-endemic settings” o mataas na kaso ng dengue katulad na lang ng Pilipinas.

Samantala, nagpahayag din ng paglilinaw si Dr. Edsel Salvana, isang infectious disease expert at Outsanding Young Scientist Awardee 2010 bilang panelist sa nasabing forum upang maliwanagan ang mga magulang.

Aniya, kinumpirma muli ng WHO-SAGE na ligtas at epektibo ang Dengvaxia sa mga nagkaroon na ng dengue o “seropositive” dahil napapababa ang panganib ng severe dengue ng 93%.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?