19

Sep 15, 2021 @ 16:12
By

Headband ni ‘Rambo’, boxing gloves ni ‘Rocky’ isusubasta

Super fan ka ba ni Sylvester Stallone? Puwes ito na ang tsansa mong mapasakamay ang ilang movie memorabilia niya mula sa ginamit niyang boxing gloves sa “Rocky” hanggang sa sinuot na headband ni “Rambo”.

Ayon sa report ng News18, magaganap ang “Property from The Life and Career of Sylvester Stallone” auction sa December 5 sa Julien’s Auctions sa Beverly Hills.

Halos 500 item mula sa mga personal na gamit ni Stallone ang maaaring mabili katulad ng mga costume na dinisenyo ni Gianni Versace, props, script, notebook at iba pang memorabilia mula sa hit movie ng aktor tulad ng “Rocky”, “Rambo”, “Cliffhanger”, “The Expendables” at “Demolition Man”.

Bida sa auction ang boxing gloves mula sa pelikulang “Rocky” na nagkakahalaga ng mula $10,000 hanggang $20,000.

May mga koleksyon ding kutsilyo na maaaring mabili ng mga fan ng “Rambo” franchise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?