6

Jul 15, 2020 @ 19:02
By

HDO inilabas vs 20 tauhan ng MV Vienna Wood

Naglabas ng hold departure order ang korte laban sa mga tauhan ng MV Vienna Wood, ang umano’y foreign vessel na naging dahilan ng paglubog ng isang Philippine fishing boat sa karagatan ng Occidental Mindoro.

Ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Vice Admiral George Ursabia Jr., nag-isyu ng precautionary hold departure order si Presiding Judge Ulysses Delgado, ng Regional Trial Court Branch 44 sa Mamburao, Occidental Mindoro, laban sa crewmen ng Hong Kong-flagged bulk carrier na Nomikos Transworld Maritime.

Dagdag ng PCG, agad nilang ipinaalam ito sa mga apektadong pamilya at sa Irma Fishing and Trading Inc.

Pito lang daw sa mga crewman ang pinetisyon nila ng HDO pero naghain ang FV Irma ng HDO laban sa 20 crewmembers.

“With the granting of the Hold Departure Order against MV Vienna Wood, rest assured that the PCG will continue to monitor the legal proceedings, while seaborne patrol operations are ongoing to locate the missing fishermen and passengers of FV Liberty 5. We will not stop until this issue is resolved,” saad ni Ursabia.

Bumangga ang Australia-bound MV Vienna Wood sa FV Liberty 5, na patungo sana sa Navotas, sa Mamburao noong gabi ng June 27 dahil sa umano’y poor visibility dulot ng malakas na pag-ulan.

Lumabas sa pagsisiyasat na ilang beses nabangga ang FV Liberty 5 bago ito tumaob at lumubog na kumitil sa 14 na mangingisda na sakay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?