By

HD spikers malinaw sa No. 4 spot

Sharing is caring!

Sinementuhan ng Cignal ang No. 4 spot matapos ibaon sa tatlong sets ang Victoria Sports-UST, 25-21, 25-16, 25-14, kahapon sa huling araw ng elimination round ng Chooks to Go-5th Philippine Superliga (PSL) Grand Prix 2017 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

May kartang 4-4, si­nandalan ng HD Spikers ang kanilang import na si Alexis Matthews upang ipalasap sa Tigresses ang pang-walong sunod na talo sa nine-team single round robin.

Halos si 6-foot-3 American middle blocker mula Michigan State, Matthews ang nagpaluhod nang todo sa Tigresses, kumana ng 13 kills at anim na blocks para sa total 19 points, sa event na suportado ng Mikasa, Grand Sport, Senoh, Mueller, Island Rose, Cloudfone at UCPB Gen.

Bumakas din si Honey Royse Tubino ng walong puntos para sa HD Spi­kers na kulang sa sandata dahil hindi nakalaro si star Spikers Jovelyn Gonzaga at Rachel Anne Daquis.

May knee injury si Gonzaga habang si Daquis ay nasa hospital matapos ma-diagnose na may ­dengue fever.

“I’m happy with our performance, but the locals must step up,” saad ni Cignal head coach George Pascua. “Everybody is performing well and meets our expectations during training.

But we should apply what we train and play a notch higher during actual games because things will start to get tough as we enter the quarterfinals.” (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?