235

By

Hazing pinagtakpan? PMA doctor UTI lang ang finding kay Dormitorio

Tanging urinary tract infection (UTI) lamang ang naging official diagnosis ng isang babaeng doktor sa Philippine Military Academy (PMA) nang magpatingin si first year cadet Darwin Dormitorio, ilang oras bago ito magsuka at pumanaw.

Ayon sa hepe ng Baguio City Police na si Police Col. Allan Rae Co, kanilang iimbestigahan ang babaeng doktor dahil sa posibleng criminal malpractice nito sa kaso ni Dormitorio na napag-alamang namatay dahil sa hazing.

Unang dumulog si Dormitorio sa pananakit ng kanyang tiyan noong Setyembre 17, Martes, at kaagad ding na-discharge ngunit hindi muna pinasalang sa mga aktibidad.

Miyerkoles, Setyembre 18, ay muling binalik sa ospital si Dormitorio dahil sa pagsusuka at dito na namatay ang kadete.

Hindi pa inilalabas ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng doktor at attending physician ngunit kanilang tinitingnan ang anggulo na posible umanong tinago ang tunay na kondisyon ng biktima dahil sa hazing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?