21
haze-alert

Haze alert itinaas na sa Cebu Business Park dahil sa maitim na usok

Sharing is caring!

Itinaas na ang haze alert sa Cebu Business Park dahil sa patuloy na paglabas ng maitim na usok mula sa gusali ng nasusunog na Metro Ayala Center Cebu sa Cebu City.

Patuloy na inaapula ang apoy, alas-11:30 ng umaga ngayong araw na nagsimula ng alas-9:30 ng gabi ng Biyernes, ayon sa ulat ng SunStar.

Inakyat na rin ito sa Task Force Bravo, kung saan hiningi na ang tulong ng mga bumbero mula sa Lapu-Lapu City, mga kalapit na bayan at siyudad.

Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office Chief Nagiel Bañacia, inilikas pansamantala ang mga naninirahan o nasa Cebu Business Park na may problema sa puso at inilagay sa ligtas na lugar para makaiwas sa maitim na usok na resulta ng nagaganap na sunog.

Sa inilabas na pahayag ng abogado na Vince Tomaning, tagapagsalita ng Metro Ayala Center Cebu, kinumpirma nito na nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag sa stockroom ng mga laruan sa Metro Ayala Department Store and Supermarket na nasa Cebu Business Park, Cebu City.

Matagumpay umanong nai-evacuate ang mga kostumer at empleyado nito kung saan walang naiulat na nasaktan o namatay sa nangyari, ayon sa pa sa ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?