38

Aug 31, 2020 @ 13:10
By

‘Hazard pay ng mga ‘everyday heroes’ ‘di buo kung ibigay!’

Sa Araw ng mga Bayani, nanawagan si Senador Francis Pangilinan sa Department of Health na tiyaking naibibigay ang P500 na daily hazard pay ng mga medical frontliner.

“Let us honor and celebrate our everyday heroes against COVID by paying them their due, and releasing their daily hazard pay is the least we could do,” ani Pangilinan.

“Araw-araw nilang hinaharap ang COVID, nag-aalaga at nagpapagaling sa mga maysakit, tinitiis nila na hindi makasama ang pamilya, nahihirapan sa commute, at araw-araw ring nakikipagsapalaran sa posibilidad na mahawa ng COVID,” dagdag pa nito.

Ang National Heroes’ Day ay paggunita sa Cry og Pugad Lawin na siyang pasimula ng paglunsad ng rebolusyon ng Pilipinas laban sa pananakop ng mga Kastila noong 1896.

“May mga nagsusumbong po sa amin na hindi naibibigay ang hazard pay ng mga nurses, medical technologists, at iba pang mga health worker sa ating mga public hospitals. Yung iba naman daw, hindi fixed o hindi buo, merong P150, merong P250, at meron ding P450,” sabi ni Pangilinan.

“Yung iba, nagsisipag-resign na lang at pumapasok sa call center,” dagdag pa nito.

Sabi ni Pangilinan, nakasaad sa batas na bibigyan ng minimum na P500 daily gazard pay ang lahat ng frontliners, kabilang ang mga health care worker tulad ng doktor, nurse at medical technologist.

Binanggit nito ang Administratice Order 26, kung saan ang minimum daily hazard at P500 at kasama dito ang lahat ng kawani ng gobyerno na magre-report sa trabaho, mapa-regular, kontraktuwal o kasuwal man sila.

Nakasaad din sa Bayani 1 o Republic Republic Act 11469, Section 4 (d) ang pagbibigay ng COVID-19 special risk allowance bukod pa sa hazard pay na ibibigay sa ilalim ng Magna Carta of Public Health Workers o Republic Act 7305.”

Sa ilalim naman ng hindi nalalagdaang P140-billion Bayanihan 2, naglaan ang Kongreso na P13.5 bilyon para sa hiring of emergency “human resources for health,” augmentation for operations of hospitals, monthly special risk allowance, “actual hazard pay,” life insurance, accommodation, transportation, at meals para sa mga health worker.

“Ang dami nang sakripisyo ng ating mga front-liner. Mano bang suklian natin ang kanilang serbisyo ng binibigay naman ng ating mga batas?” ani Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?