7

By

Hayward nakabalik sa Utah, Celtics natapilok sa Jazz

Sharing is caring!

Sa unang laro ng dating Utah Jazz player na si Gordon Hayward sa Salt Lake City, bigo ang kanyang koponan ngayon na Boston Celtics na makakuha ng panalo, 123-115 nitong Sabado sa Pilipinas.

Naghari para sa Jazz si Joe Ingles, tinapatan ang kanyang career-high na 27 puntos, at pitong assists para ayudahan ang koponan sa panalo, samantalang naging disente rin ang performance ni Hayward na may 13 puntos at pitong assists.

Matatandaan na matagal nabakante ang one-time NBA All-Star na si Hayward matapos matamo ang gruesome injury noong 2017.

Para sa Jazz, nakatuwang ni Ingles ang star sophomore na si Donovan Mitchell, tumapos ng 21 puntos, at Rudy Gobert na may 17 puntos at 15 rebounds.

22 at 21 puntos naman ang kinamada ni Terry Rozier at Jason Tatum, ayon sa pagkakasunod, para sa Celtics.

Umarangkada ang Jazz sa 3rd quarter na nagpakawala ng 17-6 run, nakalamang ng 18 puntos, 75-57.

Ngunit sa 4th, nagkabigkis ang pag-iskor ng Celtics, dahilan para sa 15-4 run at mailapit ang lamang sa 100-96.

Pero hindi naalpasan ng Celtics ang four-point barrier at patuloy ang see-saw battle hanggang makuha na ng Jazz ang panalo sa dulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?