77

By

‘Hayaan Mo Sila’, lotto results, top searches ng Pinoy sa Google

Inilabas na ng Google Philippines ang Year in Search 2018 nito, na taunang listahan ng top trending searches sa bansa.

Nanguna sa listahan ang mga salitang “Memory Hackers”, isang kilalang cheat tool para sa online game na Rules of Survival (ROS).

Sinundan ito ng “Shot Gamers”, na isa ring ROS cheat program.

Ikatlo sa listahan ang “NBA Playoffs 2018” kung saan pinatumba ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers.

Samantala, narito ang Top 10 most searched sa Google PH ngayong 2018:

1. Memory Hackers

2. Shot Gamers

3. NBA Playoffs 2018

4. Hayaan Mo Sila lyrics

5. Rules of Survival

6. Lotto results

7. Meteor Garden 2018

9. Perfect lyrics

10. World Cup o FIFA World Cup

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?