102

Oct 20, 2021 @ 17:07
By

Hawig daw ng ‘Squid Game’ doll! Netizen kinabahan kay Ai-Ai

Hindi siguro akalain ng isang netizen na magva-viral at mapapansin siya ng artistang kanyang pinagtripan sa kanyang social media post.

Windang ang netizen na si Skyler Pressman nang mag-comment si Ai-Ai Delas Alas sa kanyang Facebook post.

Sa naturang post kasi, sinabi ng netizen na kahawig ni Ai-Ai ang isang mascot na hango sa higanteng manika sa Netflix series na ‘Squid Game.’

Habang sinusulat ang istoryang ito ay pumalo na sa mahigit 2,800 ang shares ng post, kaya’t hindi na rin ito nakaligtas sa atensyon ni Ai-Ai.

“Ah ganooooon?!!” komento ni Ai-Ai sa post.

Sa pag-aakalang nagalit ang komedyante, biglang bawi si Skyler at nagreply sa komento ni Ai-Ai ang: “Si Mayor Joy Belmonte po talaga yan sorry na.”

Paglilinaw naman ng aktres, hindi siya naasar sa naturang post.

“Biktima ng ‘face shaming’ ang doll dahil kung ako siya, parang nasira ang face niya nang agad-agad,” pabirong komento ni Ai-Ai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?