77

Jan 26, 2020 @ 19:32
By

Hawaiian na snatcher sa Cubao, swak sa kulungan

Swak sa kulungan ang isang Hawaian national na naka-check in pa sa sikat na hotel makaraang manghablot ng bag sa Cubao, Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Cubao Police Station 7, ang nadakip na suspek na si Keanen Akira Miyasato, 33, binata, driver, Hawaiian national at nanunuluyan sa Holiday Inn, Newport, Pasay City.

Ang insidente ay nangyari dakong alas-11:30 ng gabi (January 25) sa harap ng Mercury Drug Store, na matatagpuan sa Aurora Blvd. cor. Gen. Aguinaldo Ave., Brgy. Socorro, Araneta, Cubao, QC.

Ayon sa biktimang si Christopher Burgos, 51, may asawa, insurance agent, residente ng 1G Solid Compound, Manotoc Subdivision, Brgy. Sto. Nino, Marikina City, naglalakad umano siya sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspek at hinablot ang kaniyang bag.

Agad namang humingi ng saklolo ang biktima kaya nabigong makatakas ng suspek nang maaresto ng mga alertong guwardiya na nakilala lamang sa mga pangalang Chavez at SG Clooado.

Nabawi sa nasabing dayuhan ang color black sling bag na naglalaman ng wallet at mga IDs ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?