33

Mar 20, 2020 @ 12:03
By

‘Hawaii Five-O’ star Daniel Dae Kim positibo sa coronavirus

Inanunsyo ng aktor na si Daniel Dae Kim na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag ng ‘Hawaii Five-O’ at ‘Lost’ actor sa kanyang Instagram video, kinuwento nito kung ano ang kanyang karanasan bilang COVID-19 patient.

“As the flight was close to landing, I started noticing some scratchiness on my throat which is unlike how I usually get sick,” aniya.

Payo ni Kim sa publiko, sumunod sa mga patakan na pinatutupad.

Giit pa niya, tigilan na ang racism dahil sa COVID-19.

“Please, please stop the prejudice and senseless violence against Asian people. Yes, I’m Asian. And yes, I have coronavirus, but I did not get it in China. I got it in America. In New York City,” aniya.

Bukod kay Kim ilan sa mga celebrity na umaming nagpositibo sa COVID-19 ay sina Tom Hanks at Idris Elba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?