386
Havey! Fiba natawa sa joke ni Fajardo
By

Havey! Fiba natawa sa joke ni Fajardo

Kahit ang isang official Instagram page ng Fiba, napahagalpak din sa joke ni San Miguel center June Mar Fajardo.

Sa endorsement ni June Mar para sa bagong Rexona Degree Men, sinabi nito na kung gusto ng babae ang isang lalaking matalino, presente agad siya dahil sa double degree.

View this post on Instagram

Usapa na!😂😂😂🤔

A post shared by JMF (@saginghilaw15) on

Kapansin-pansin naman ang comment ng Fiba Asia Cup verified Instagram account na natawa sa biro ng five-time PBA MVP.

“Hhahaha this is so good!!!” saad sa comment.

Patunay na hindi lamang sa basketball magaling ang ‘The Kraken’ kundi maging sa pagpapatawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?