50
SC binasura ang petisyon kontra indigenous people ng Boracay
By

Hatol ng SC sa protesta ni Bongbong igagalang ng Palasyo

Irerespeto umano ng Malakanyang ang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa electoral protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na susundin nila ang anumang magiging aksiyon ng kataas-taasang hukuman dahil kahit kailan naman ay hindi umano nakialam o nanghimasok ang Palasyo sa mga kasong hawak ng Hudikatura.

“We will follow as everybody should. As we have repeatedly said, we never interfere with the function and duty and work of any co-equal branch, as well as independent constitutional bodies, so, we’ll leave it on that,” ani Panelo.

Batay sa nilabas na desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa protesta ni Marcos, iniutos na ilabas ang report sa recount ng mga kinukuwestiyong balota mula sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental.

Pinagkokomento din ang dalawang kampo sa nasabing report at binigyan ang mga ito nang 20 araw para maisumite ang kanilang pananaw sa iba pang isyung may kinalaman sa usapin.

“We’ll just wait. Let the parties argue their case in court and the PET (Presidential Electoral Tribunal) will have to render its decision,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?