86

Dec 19, 2019 @ 13:55
By

Hatol na guilty sa pamilya Ampatuan, pinagbunyi ng mga senador

Pinuri ng mga senador ang ibinabang guilty verdict ng korte laban sa ilang miyembro ng angkan ng Ampatuan maging sa ibang pang sangkot sa malagim na masaker sa Maguindanao noong 2009.

“Justice won today,” wika ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

Para naman kay Senador Joel Villanueva, naibalik ang paniniwala ng publiko na may hustisya sa Pilipinas matapos ang binasang hatol ni Quezon City Regional Trial Court judge Jocelyn-Solis Reyes.

“I salute Judge Jocelyn Solis Reyes for her dedication and her courage to stand for what is right and just,” saad ni Villanueva sa GMA News.

Natutuwa naman si Senadora Risa Hontiveros na natamo na ang hustisya ng mga kaanak ng mga biktima na matagal na nagdusa.

“My heart goes out to the families of all the victims who have suffered for far too long. I am glad that this decision finally saw the light of day, and the truth is this decision should have come sooner,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?