164

By

Hatol kay Revilla, nirerespeto ng Malacañang

Sharing is caring!

Nagsalita na ang korte sa kasong plunder na kinaharap nina pork barrel scam queen Janet Lim Napoles, dating senador Bong Revilla at Richard Cambe.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo makaraang mapatunayang guilty sina Napoles at Cambe habang nakalusot naman sa plunder ang dating senador.

Bagama’t mabagal ang paggulong ng hustisya, sinabi ni Panelo na napaparusahan naman ang mga nagkasala at ito ay iginagalang ng Malacañang.

“The court has spoken and the Palace abides by its decision finding Ms. Janet Lim Napoles and Mr. Richard Cambe guilty and former Senator Ramon “Bong” Revilla not liable for plunder in relation to the pork barrel scam. The judiciary has performed its constitutional duty of dispensing justice. While justice grinds so slow most of the time, it does grind, and when it stops it renders a verdict that is exacting immutable,” ani Panelo.

Magkakaiba man ang pananaw sa naging hatol ng Sandiganbayan, sinabi ni Panelo na kinikilala nila ang naging desisyon sa tatlong akusado, gaya ng pagrespeto sa independence ng hudikatura.

Sinabi ng kalihim na may legal na remedyo pa para sa mga inaakalang “nadehado” o gustong maghabol sa naging hatol ng Sandiganbayan sa plunder case kina Revilla, Cambe at Napoles.

Sinabi ni Panelo na nawa’y magsilbing leksiyon ito sa iba pang nagwawaldas ng pondo ng bayan at may natutunan din ang Duterte administration sa kasong ito kaya nagpapatupad ang gobyerno ng mga hakbang para matiyak ang integridad ng national budget at ang tamang paggamit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?