97

By

Hatol kay Revilla, hindi ‘not guilty’ – Sandiganbayan judge

Sharing is caring!

Ipinaliwanag ng isang Sandiganbayan judge na hindi ‘not guilty’ ang kanilang naging hatol kay dating Senador Bong Revilla Jr.

Sa kanilang desisyon, ‘acquitted’ at hindi not guilty ang kanilang terminong ginamit para kay Revilla, dahil may kasama pang agam-agam o ‘reasonable doubt’ ang pagkakasangkot ni Revilla sa pork barrel scam.

“Alam niyo, basahin niyo, hindi ko naman sinabi na hindi siya guilty… Sana maintindihan lang ng tao kung ano ang bases (ng ruling),” pakli ni Sandiganbayan First Division Associate Judge Geraldine Faith Econg.

Nilinaw din ni Econg na base sa ebidensya ay hindi pa sapat para mahatulan ng guilty si Revilla sa oras ng promulgation, kaya’t kanilang in-acquit ang dating senador.

“The evidence presented by the prosecution did not exclude the possibilities that he did not commit a crime,” ayon pa sa hukom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?