266

By

Hatol kay Imelda, pampagising sa mga gov’t official! – Palasyo

Sharing is caring!

Dapat na magsilbing babala sa mga opisyal at kawani ng gobyerno ang naging hatol ng Sandiganbayan kay dating Unang Ginang at ngayon ay Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos.

Ito ang inihayag ng Malacañang matapos mapatunayang guilty si Ginang Marcos ng pitong count ng katiwalian at hinatulang mabilanggo ng mula anim hanggang labing isang taon sa bawat kaso ng katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iginagalang ng Malacañang ang naging hatol ng Sandiganbayan sa dating unang Ginang.

Magsilbi sana aniyang paalala sa mga lingkod-bayan ang naging hatol kay ginang Marcos at gawin ang tungkulin ng tapat, may integridad at may propesyunalismo.

“We treat this decision by the anti-graft court as a good reminder to all public servants that public office is a public trust and that we are all accountable to the people we serve. As servants of the people, we must therefore carry out our duties not only with professionalism and fidelity but most importantly, with integrity,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na bagamat may mga legal na remedyo pa si Ginang Marcos, pinapatunayan lamang na gumagana ang hustisya sa bansa at walang pinapaboran kahit sino pa ang masagasaan.

“While we note that there are still legal remedies available to Congresswoman Marcos, this latest development underscores that our country currently has a working and impartial justice system that favors no one,”dagdag pa ni Panelo.

Tinitiyak ng kalihim na hindi gawain ng ehekutibo ang makialam o manghimasok sa hudikatura kayat iginagalang nila ang naging desisyon ng Sandiganbayan na pagpapakulong kay congresswoman Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?