423

By

Hatol kay Imelda Marcos, bad timing! – Villar

Sharing is caring!

Halos sumakto sa isang mahalagang petsa ang naging hatol ng Sandiganbayan para kay Ilocos Norte governor Imelda Marcos.

Pakli ni Senadora Cynthia Villar, bad timing umano ang paglabas ng desisyon dahil kasabay ito ng birthday ng kanyang anak na si Imee Marcos.

“Nagbirthday siya (Imee) kahapon e, bad timing nga,” pakli ni Villar sa panayam sa DWIZ.

Posibleng makulong ng anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon sa bawat count ng graft si Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft.

Naniniwala rin si Villar na walang magiging epekto sa kandidatura ni Imee ang pagkastigo sa kanyang ina.

Parehong nasa Nacionalista Party ang dalawang senatorial bet sa 2019 midterm elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?