7

By

Hatawan nina Isner, Anderson napakatagal

Sharing is caring!

Nauwi sa epikong match ang bakbakan nina Kevin Anderson at John Isner sa semifinals ng Wimbledon nitong Biyernes.

Pasok sa record books ang paluan nina 6-foot-8 Anderson at 6-10 Isner bilang second longest ever singles match sa isang major tournament.

Sa patibayan ng tuhod, binti at braso, nakaligtas si Anderson nang talunin si Isner 7-6 (8/6), 6-7 (5/7), 6-7 (9/11) 6-4, 26-24 sa loob ng 6 hours, 36 minutes.

Ang final set, kinulang lang ng 5 minutes para maging saktong 3 hours.

Si Anderson, 32, ang unang South African na nakarating hanggang Wimbledon final sa nakalipas na 97 years.

Kaunting oras lang ipapahinga ni Anderson ang katawan bago harapin sa final alinman kina Novak Djokovic o Rafael Nadal.

Inabot ng curfew ang semis match nina Djoko at Rafa sa Center Court, alas-11 na ng gabi ay hindi pa tapos.

Epekto ito ng napakahabang paluan nina Anderson at Isner.

Inabot na rin ng 2 hours, 54 minutes sina Nadal at Djokovic pero wala pang nananalo. Abante si Djokovic 6-4, 3-6, 7-6 (11-9).

At para hindi raw maistorbo ang mga residente malapit sa stadium, tinigil ang match. Itutuloy ang paluan kinabukasan bago ang women’s final sa pagitan nina Serena Williams at Angelique Kerber.

Si Isner din ang player sa longest match sa kasaysayan ng tennis, tinalo si Nicolas Mahut sa first round sa Wimbledon din noong 2010. Nagsimula ang match 6:13 pm ng June 22 (Martes), natapos ng 4:47 ng June 24 (Huwebes).

Alas-nuwebe ng gabi sa Day 1, sinuspinde ang laro bago ang fifth set dahil madilim. Tinuloy ng 2:05 pm ng June 23, ginabi ulit at tinigil 9:09 pm habang tabla sa final set sa 59-59. Balik ang laro ng 3:40 kinabukasan, at pagkatapos ng 8 hours, 11 minutes ay nanalo si Isner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?